Nagpapatuloy ang pagbabantay sa mga pasyalan sa Bayambang matapos ang isinagawang Pista’y Baley 2026 kasabay ng pagpasok ng Semana Santa, bilang bahagi ng pagpapanatili ng kaligtasan ng publiko.
Sa ulat ng lokal na pamahalaan, naging matiwasay at ligtas ang pagbubukas ng selebrasyon noong March 28–29, 2026 sa tulong ng pinaigting na operasyon ng MDRRMO.
Nag-deploy ng mga first aider sa mga pangunahing aktibidad at simbahan, habang nagsagawa rin ng inspeksyon sa mga resort at ilog upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Dalawang kaso ng pagkahilo at isang minor injury ang agad na narespondehan, ngunit walang naitalang malubhang insidente.
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagbabantay sa mga pasyalan sa bayan upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente at mga bumibisita. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









