Mas pinaiigiting pa ng Department of Trade and Industry Pangasinan ang kanilang pagbabantay sa presyo ng mga pangunahing bilihin.
Kamakailan ay minonitor ng tanggapan ang mga pamilihan sa bayan ng Bani at Agno kauganay pa rin sa pagsasailalim ng mga ito sa state of calamity.
Ilan sa items na mahigpit na tinututukan ay mga tinapay, delata, tubig, gatas, instant noodles, mga sabon at detergent.
Inisyatibo ito sa patuloy na pagsulong sa karapatan ng mga konsyumer pagdating sa kalakalan at matiyak na maayos ang suplay ng mga pangunahing bilihin. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









