Dodoblehin ng City Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga magbabantay na lifeguards at personnel sa kahabaan ng Tondaligan Beach sa pagsapit ng Semana Santa.
Ani ng ilang lifeguards sa Bonuan Tondaligan Beach, patuloy ang kanilang monitoring sa buong baybayin dahil hindi umano nawawalan ng bisita ang lugar.
Magkakaroon din umano ng dagdag na force multipliers na idedeploy sa kahabaan ng Tondaligan Beach ngayong Semana Santa.
Lagi umano silang nakaalerto upang matiyak na maresponsehan agad ang mga nangangailangan partikular sa insidente ng pagkalunod.
Pakiusap ng tanggapan na maging responsable sa kalinisan ng baybayin upang mapangalagaan ang kalikasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments