Manila, Philippines – Ipinasa na sa Philippine Coast Guard (PCG) ang pagpapatrolya sa West Philippine sea.
Ito ang inihayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon matapos na tanggapin ang biniling dalawang multi-role vessel at tatlo sa sampung bagong speed boat na pangakong donasyon ng Japan.
Pero aniya, pwede pa ring magtungo sa pinag-aagawang bahagi ng West Philippine sea ang mga barko ng Philippine Navy at Philippine Air Force kung saan sila magsasagawa ng military operation.
Ayon naman kay PCG spokesman commander Arman Balilo, agad nilang ide-deploy ang mga bago nilang sea asset pagkatapos ng commissioning.
Samantala, pinangunahan kanina ng PCG ang joint maritime exercise sa Manila Bay kasama ang Coast Guard ng Japan, US, Malaysia, Indonesia At Vietnam para sa 15th Maritime Law Enforcement Exercise.