Nagkasundo ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at United Nation Office for Drugs and Crime na isasama na ang pagbabasa ng libro ng batas bilang bahagi ng Rehabilitation Program ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL).
Sa paglulunsad ng “Read Your Way Out: Advancing Prison Reform through Libraries for Lifelong Learning in Places of Detention” sa Quezon City, kapwa nagkasundo ang dalawang tanggapan na bumuo ng bagong jail libraries.
Layon nito na maging bahagi ang pagbabasa ng mga PDL upang maisama sa kanilang good conduct and time allowance.
Sa pamamagitan nito, mababawasan ang panahon ng kanilang sentensya.
Ang jail libraries ay binunuo ng 20% legal resources, 30% vocational resources, 40% fiction and non-fiction at 10% naman sa children books for family visitors.
Para maipatupad ang naturang proyekto, bumuo ng Technical Working Group (TWG) na nagmula sa BJMP at United Nation upang magawa ang jail libraries.