Pagbabasbas sa mga replika ng Itim na Nazareno ngayong taon, naging organisado

Manila, Philippines – Mas naging maayos at organisado ang pagbasbas sa mga replika ng Itim na Nazareno ngayong taon kumpara noong 2018.

Ayon kay father Douglas Badong, parochial vicar ng Quiapo church, inabot lang ng dalawang oras at tatlumpong minuto ang prusisyon ng mga replika ng Nazareno ngayon 2019 kumpara noong 2018 na inabot ng labing dalawang oras.

Aniya, malaki ang pinagkaiba ng hindi paglalabas ng imahe ng Itim na Nazareno sa aktwal na prusisyon kaya mabilis silang natapos ngayon.


Sabi ni Badong, nasa 60,000 deboto ang nakiisa sa prusisyon at higit isang libong replica ng Nazareno ang kanilang nabasbasan.

Facebook Comments