PAGBABATIIN | Qatar at Saudi Arabia, maaaring maging tulay sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait

Manila, Philippines – Iginiit ni Senate President Koko Pimentel na pwedeng mamagitan ang Saudi Arabia o kaya ang Qatar sa lumalalang gusot sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.

Kasunod ito ng lumabas na video sa social media na nagpapakita ng pag-rescue ng mga tauhan ng embahada ng Pilipinas sa ilang Overseas Filipino Workers (OFW) sa Kuwait.

Naniniwala si Pimentel na kailangan natin ngayon ng high-level contacts, at tapat na pakikipag-usap sa Kuwaiti government at higit sa lahat, pag-iwas sa paglalathala sa internet ng anumang impormasyon.


Idinagdag pa ni Pimentel na huwag na ring personalin o palakihin pa ang kasalukuyang sitwasyon lalo na ang mga hakbang ng Kuwaiti government laban sa mga opisyal ng ating embahada.

Nauna nang nagpahayag ng tiwala si Pimentel na magkakasundo ring muli ang Pilipinas at Kuwait tulad ng pagkakasunod ngayon ng North at South Korea na pareho nang nasa state of war.

Facebook Comments