Iginiit ni Kusug Tausug Party-list Rep. Shernee Tan-Tambut na ipagbawal ang pagpapasok ng mga alagang hayop tulad ng pusa at aso sa loob ng mga restaurants at iba pang kainan tulad ng food court.
Sa inihaing House Bill 9570 o panukalang “Pets in Food Establishments Act” ay binigyang diin ni Tam-Tambut na ang mga alagang hayop ay maaring magdulot ng allergy o makaapekto sa kalusuganan ng mga customers ng kainan.
Nakasaad naman sa panukala ni Tan-Tambut na maaring payagan sa outdoor o sa labas na bahagi ng restaurants o kainan ang mga trained o naturuan na alagang hayop tulad ng mga service animals o dogs ng uniformed law enforcement at pribadong ahensya na naatasang magpatupad ng seguridad.
Inoobliga rin ng panukala ni Tan-Tambut na lagyan ng diaper ang mga alagang hayop habang ang pet-owner naman ang responsable sa paglilinis sa dumi ng mga ito.
Sakalang maging batas ang panukala i Tan-Tambut ay aatasan nito ang mga lokal ng tanggapan ng Department of Health at mga kinauukulang opisina sa bawat lungsod at munisipalidad na magsagawa ng inspeksyon at pagbabantay kung nakakasunod ang mga kainan sa kanilang nasasakupan.