Pagbabawal ng hazing sa PMA, iginiit ng isang kongresista sa liderato ng AFP

Pinuri ni Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez ang parusang iginawad ng korte sa tatlong kadete ng Philippine Military Academy (PMA) na responsable sa hazing na ikinasawing ng kasamahan nila na si Darwin Dormitorio noong 2019.

Sa kabila nito ay sinabi ni Rodriguez na mas mainam sana kung maparusahan din maging ang PMA officers na direktang responsable sa mapait na sinapit ni Dormitorio.

Bunsod nito ay hiniling ni Rodriguez kay Armed Forces of the Philippines o AFP Chief Gen. Romeo Brawner na ipahinto ang hazing at mga kaparehong aktibidad sa loob at labas ng PMA.


Umaasa si Rodriguez na tutuparin ni Brawner ang kanyang hiling lalo’t maigiting din ang kampanya nito laban sa hazing noong siya pa ang PMA commandant of cadets.

Facebook Comments