Manila, Philippines – Mariing tinulan ng Manila Police District Press Corps ang pagbabawal ng pambansang pulisya sa pagkuha ng mga mamahayag sa spot report na nangyayari sa kalakhang Maynila.
Ayon kay MPDPC President Mer Layson mistulang sinisikil ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald Bato Dela Rosa ang mga police reporter na kumalap ng mga balitang nais malaman ng publiko.
Paliwanag ni Layson hindi maganda ang timing ng PNP sa kanilang ipinalabas na direktiba na nagbabawal na kumuha ng spot report ang media.
Dagdag pa ni Layson karapatan ng media at ng publiko salig sa konstitusyon na malaman ang mga nangyayaring krimen sa kanilang mga nasasakupan.
Facebook Comments