Pagbabawal ng PNP sa public display of affection, pinapalinaw ni Senator Recto

Humihiling ng paglilinaw si Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa pagbabawal ng liderato ng Philippine National Police (PNP) sa public display of affection (PDA) para labanan ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon kay Recto, para itong patakaran sa gitna ng LDR o Love in Duterte’s Rule na malamang ay hindi rin katigan ng Pangulo.

Tugon ito ni Recto sa inihayag ni PNP Spokesperson Brigadier General Ildebrandi Usana na bilang pag-iingat sa COVID-19 ay sisitahin ng pulis ang makikita sa publikong magka-holding hands, naghahalikan at nagyayakapan.


Diin ni Recto, ito ay tila deklarasyon ng war on love at hindi war on COVID-19.

Tanong ni Recto sa PNP, kasama bang pagbabawalan pati ang pag-goodbye kiss sa isa’t isa ng mag-asawang magkatabing natutulog at ang pagmano ng mga bata sa kanilang mga lolo at lola gayundin ang pagyakap kay mister ng misis na nakaangkas sa motorsiklo?

Sabi ni Recto, ang bait naman ni COVID at hindi nito nabibiktima ang mga couple na naglalambingan sa pribadong paraan.

Kaya kantyaw ni Recto, ang nabanggit na patakaran ng PNP ay parang scientific eureka moment na dapat pagkalooban ng Nobel Prize.

Facebook Comments