Pagbabawal sa drag racing, lusot na sa komite ng Kamara

Pasado na sa unang pagbasa ng House Committee on Transportation ang panukala na magbabawal sa karera ng mga sasakyan sa pampublikong lugar.

Layunin ng House Bill 3391 o “Drag Racing Ban Act” na inihain ni Quezon City Representative Precious Hipolito-Castelo, na ipagbawal ang karera ng mga sasakyan sa mga pampublikong lansangan at patawan ng mabigat na parusa ang mga lalabag dito.

Iginiit ng lady solon na hindi ito nakakatulong sa publiko at sa komunidad bagkus ay nagdudulot lamang ito ng noise pollution.


Samantala, ipinasasama naman sa amendments ng panukala ang pag-regulate sa drag racing sa halip na ipagbawal ito.

Suportado naman ni Land Transportation Office (LTO) Assistant Secretary Edgar Galvante ang panukala kung saan hiniling din nito sa Committee on Transportation na gawaran din ng kapangyarihan sa ilalim ng panukala ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP) at ang mga lokal na pamahalaan sa oras na maisabatas ito.

Inirekomenda naman ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Steven Pastor sa komite na kumpiskahin at i-impound ang lahat ng sasakyan na mahuhuli na ginamit sa drag racing.

Facebook Comments