
Patuloy na isusulong ni Senator Joel Villanueva ang tuluyang pagwawakas sa kontraktwalisasyon o ang ENDO sa mga manggagawa sa bansa.
Tinukoy ni Villanueva ang Konstitusyon kung saan dapat ay tinitiyak ang proteksyon at dignidad ng lahat ng mga manggagawa.
Iginiit ng senador na karapatan ng mga manggagawa na maging kampante sa kanilang employment status.
Nakabinbin pa sa ngayon sa komite sa Senado ang magkakahiwalay na anti-ENDO bill na inihain ni Villanueva, Senate President Chiz Escudero, Senator Risa Hontiveros at Senator JV Ejercito.
Maipagpapatuloy ang pagtalakay dito sa pagbabalik sesyon sa Hunyo at tuloy-tuloy na isusulong hanggang sa 20th Congress.
Facebook Comments









