Nangangamba si Senator Panfilo Ping Lacson sa maaring maging epekto sa ekonomiya ng desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbawalang magtungo sa Amerika ang mga miyembro ng kanyang gabinete.
Kasunod ito ng pagkansela ng US Government sa visa ni Senator Ronald Bato Dela Rosa.
Paliwanag ni Lacson, umaabot sa sampung bilyong dolyar ang halaga ng mga produktong ini-export ng bansa sa Amerika.
Dagdag pa ni Lacson, sa kabuuang military support na ipinagkakaloob ng US sa buong Asia-Pacific Region ay 52-percent ang pakinabang ng Pilipinas.
Ikinatwiran pa ni Lacson na kung gaganti ang Amerika sa mga hakbang ni Pangulong Duterte ay posibleng madamay ang mga pinoy na naninirahan at nagtratrabaho sa US.
Bunsod nito ay umaasa si Lacson na magkakaroon ng lakas ng loob ang sinuman sa gabinete na ipabawi kay Pangulong Duterte ang pasya nito laban sa Amerika.