Pagbabawal sa lahat ng uri ng online gambling sa bansa, nasa kamay ni PRRD

Manila, Philippines – Nasa kamay na ni Pangulong Rodrigo Duterte kung ipagbabawal ang lahat ng uri ng online gambling sa bansa.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo – kailangang tanungin ang Pangulo kung ano ang kanyang polisiya hinggil dito.

Pero punto ni Panelo – legal ang online gambling operation sa bansa.


Bago ito, ipinahinto ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) ang pagtanggap ng applications para sa Philippine Offshore Gaming Operations o POGO.

Hinimok na rin ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Gen Shuang ang Pilipinas na ipagbawal ang lahat ng uri ng online gambling sa bansa.

Layunin nito na mapagtibay ang law enforcement ng China at mahinto ang mga aktibidad tulad ng online gambling at cyber fraud.

Facebook Comments