Pagbabawal sa lahat ng uri ng online gambling sugal, isinulong sa Kamara

Isinulong ni Manila Second District Rep. Rolando Valeriano ang lubusang pagbabawal sa lahat ng uri ng online gambling kabilang na ang E-sabong.

Sa House Bill No. 1455 na inihain ni Valeriano ay pinapabawi sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang lahat ng lisensya at permit na inilabas nito sa iba’t ibang uri ng online gambling.

Giit ni Valeriano, makabubuting pairalin ang total prohibition sa online gambling dahil hindi uubra kung maghihigpit lang ng regulasyon na pwedeng paikutan sa dami ng makabagong pamamaraan ngayon.

Bunsod nito ay iminungkahi ni Valeriano sa pamahalaan na maghanap ng panibagong mapagkukunan ng kita dahil ang revenue mula sa online gambling ay hindi pwedeng itumbas sa pagsira nito sa mga buhay at kinabukasan ng mamamayan.

Facebook Comments