Pagbabawal sa limang libro sa mga paaralan at library, dahil sa umano’y pagiging anti-government, pinapa-imbestigahan sa Kamara

Pinaiimbestigahan ni Albay Rep. Edcel Lagman sa Mababang Kapulungan ang Memorandum no. 2022-0663 na inilabas ng Komisyon sa Wikang Filipino o KWF na may petsang Aug. 9.

Ipinag-uutos nito ang pag-ban o pagbabawal sa limang libro sa mga paaralan at library, dahil sa umano’y pagiging “subversive at anti-government” ng mga ito.

Sa inihaing House Resolution 239 ay iginiit ni Lagman ang naturang memorandum ay “unconstitutional,” pag-atake sa “academic freedom” at sa “freedom of expression” at kwestyunable din na sa 11 commissioners ng KWF ay dalawa lamang ang pumirma sa memo.


Diin pa ni Lagman, Wala ring kapangyarihan at hindi otorisado ang KWF sa ilalim ng Republic Act 7104 na magbawal o mag-censor ng mga libro.

Facebook Comments