Ipinag-utos ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pagbabawal sa paggamit ng cellphone sa lahat ng commissioned officers, non-commissioned officers, civilian staff, visitors at ang lahat ng papasok sa loob ng National Headquarters ng BuCor Offices, New Bilibid Camps, at sa iba’t ibang operational prisons and penal farms sa buong bansa.
Mas mahigpit pa ang ipinag-uutos na inspeksyon sa lahat ng entry and exit points sa mga operational prison and penal farm upang madaling matukoy ang pagpupuslit ng mga cellphone.
Ibinaba ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang kautusan sa lahat ng superintendents na gawing regular ang pag-inspeksyon sa mga pasilidad kabilang na ang random or unscheduled checks sa mga prison dormitory maging sa workspaces ng mga personnel ng BuCor sa paggalugad sa mga ipinagbabawal na item.