PAGBABAWAL SA MGA LOGO AT PERMITS SA UMINGAN, IPINATUPAD

Ipinatupad ng bagong administrasyon sa Umingan ang pagbabawal sa ‘epal’ o paglalagay ng sariling pagkakakilanlan o disenyo sa mga pampublikong dokumento tulad ng permit.

 

Pinagtibay ito sa kauna-unahang kautusan ng bagong halal na alkalde sa bayan.

 

Base dito, tangung official seal at katagang ‘Municipality of Umingan’ lamang ang makikita sa mga bagong iniisyung dokumento mula sa lokal na pamahalaan at mga ari-arian na pinopondohan nito.

 

Giit naman ng alcalde na hindi nito maaaring alisin ang kanyang pangalan sa mga dokumento upang mapatunayang ang pagiging legal nito kalakip ng kanyang pirma.

 

Kaugnay nito, isinabay na rin ng ilang residente ang iba pa nilang hangad maaksyunan ng bagong administrasyon tulad ng paglalagay ng CCTV sa palengke, disenteng loading/unloading station at pagtutok sa regulasyon sa operasyon ng mga poultry sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments