Pinalawig ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang notice to airmen (NOTAM) na pagbabawal sa mga eroplano na dumaan malapit sa Mt. Kanlaon.
Ayon kay CAAP Spokesman Eric Apolonio, tatagal ang NOTAM hanggang bukas, araw ng Sabado, October 12, 2024.
Dahil dito, pinapayuhan ang flight operators na iwasan ang paglipad malapit sa tuktok ng bulkan na may 17,000 ft vertical limits.
May posibilidad din aniya na magkaroon ng biglaang pagsabog o phreatic eruptions ang bulkan na mapanganib sa mga aircraft.
Facebook Comments