Posibleng magdulot ng diskriminasyon ang pagbabawal sa mga hindi bakunado na lumabas ng bahay lalo’t nananatiling limitado ang suplay ng COVID-19 vaccine sa bansa.
Ayon kay Commission on Human Rights (CHR) Spokesperson Jacqueline Ann de Guia, may mga dahilan kung bakit marami pa rin ang hindi nababakunahan sa bansa.
Kabilang aniya sa mga dahilang ito ang maling mga impormasyon tungkol sa mga bakuna.
Hindi rin aniya nababakunahan ang iba pang priority group dahil A1 hanggang A4 pa lamang ang binabakunahan.
Paalala ni de Guia sa pamahalaan, kailangan pa ring unahin ang karapatang pantao sa bansa sa kabila ng laban sa COVID-19.
Facebook Comments