PAGBABAWAL SA MGA MENOR DE EDAD NA MAGMANEHO NG MOTORSIKLO SA ASINGAN, MULING IGINIIT

Muling iginiit ng lokal na pamahalaan ng Asingan ang pagbabawal sa mga menor de edad na magmaneho ng motorsiklo.

Ibig sabihin bawal magmaneho ng naturang sasakyan ang mga nasa edad 17 anyos pababa.

Ito ay hakbang upang matiyak na maiiwasan ang bilang ng mga naitatalang aksidente sa mga kakalsadahan.

Sa ilalim ng Municipal Ordinance 11, series of 2019, nakasaad ang layon nitong kaligtasan at seguridad sa mga kabataan mula sa aksidente sa lansangan.

Binigyan diin din ng LGU Asingan na magulang ang may pananagutan kung sakaling masangkot o mahuling lumabag sa patakaran ang mga menor de edad na anak. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments