Pagbabawal sa mga menor de edad na mamasyal at mag-malling sang-ayon sa ibinigay na discretion ng IATF sa mga LGUs – Palasyo

Nilinaw ng Malakanyang na ang naging desisyon ng Metro Manila mayors na bawalan ang mga menor de edad na mamasyal at makapag-mall ay alinsunod na rin sa discretion na ibinigay ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) sa mga lokal na pamahalaan.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque ang mga 17-year-old and below ay dapat munang magsilbing homeliners.

Base kasi sa pag-aaral ayon sa kalihim, ang mga bata ay maituturing na spreaders ng virus at sadyang vulnerable sa sakit.


Pero exempted naman dito ang mga bata na may essential needs sa mall tulad ng check-up na matatagpuan ang mga klinika sa mall pero sila ay dapat kasama ng kanilang magulang o guardian.

Una nang sinabi ni Metro Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia na maliban sa pamamasyal, bawal din ang mga menor de edad na dumalo sa mga Simbang Gabi.

Facebook Comments