Pagbabawal sa mga pulis na mag-golf kapag weekdays, suportado ng isang senador

107

Manila, Philippines – Nagpahayag ng buong suporta si Senator Panfilo Ping Lacson sa pagbabawal ni Philippine National Police o PNP OIC Lieutenant General Archie Francisco Gamboa sa lahat ng pulis na maglaro ng golf mula Lunes hanggang Biyernes.

Para kay Lacson, very good ang nabanggit na deriktiba ni Gamboa.


Naalala ni Lacson, na halos ganito din ang kanyang naging polisiya sa simula ng pag-upo niya bilang hepe ng PNP noong November 16, 1999.

Ayon kay Lacson, wala pang nakakapaglaro ng golf noon dahil bilang PNP chief ay takot sa kanya ang mga pulis.

Bukod dyan ay mahigpit ding ipinagbawal ni Lacson ang mga kotong cops at malalaking tiyan.

Facebook Comments

From Advertisers