PAGBABAWAL SA MGA TRAYSIKEL SA LINGAYEN, WALANG KATOTOHANAN-PNP

Pinabulaanan ng Lingayen Police Station ang kumakalat na anunsyo na umano’y nagbabawal sa mga traysikel sa bayan at maaari pang ma-impound ang sasakyan o mahuli ang mga lalabag.

Ayon sa himpilan, walang opisyal na kautusan o pahayag ang lokal na pamahalaan ukol dito na nagdudulot ng kalituhan sa mga driver at mananakay.

Bukod dito, tiniyak din na walang pagbabago sa aprobadong regulasyon sa transportasyon at kinikilala ang mahalagang gampanin ng mga trasyikel sa mga mananakay.

Sa naturang kumalat na post, ginamit din ang logo at pangalan ng kapulisan na sinadya umano upang linlangin ang publiko.

Hinikayat naman ng awtoridad ang publiko na maging responsableng social media user upang hindi mabiktima ng fake news.

Samantala, nitong Marso, nilagdaan ng Sangguniang Bayan ang panukalang nagpapataw ng limang pisong dagdag sa singil sa pamasahe bilang konsiderasyon sa mga driver bunsod ng tumataas na presyo ng langis. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments