Pagbabawal sa mga visible tatoo ng pulis, epektibo na

Mahigpit nang ipagbabawal ng Philippine National Police (PNP) ang paglalagay ng mga visible tattoos sa lahat ng mga pulis.

Ayon kay Philippine National Police Public Information Officer (PIO) Chief Police Colonel Jean Fajardo, inalis ang moratorium sa naturang kautusan matapos ang masusing review kaya tuloy na muli ang pagpapatupad nito.

Sa ngayon, inaayos naman nila ang proseso sa pagbubura ng mga tattoo.


Sa ilalim ng Memorandum Circular 2024-023 na inaprubahan nitong March 2024, pinatatanggal ang lahat ng visible tattoos ng mga pulis.

Required din na gumawa ng affidavit ang isang pulis na may tattoo na hindi visible at hindi na ito pinahihintulutan pang magdagdag ng tattoo sa anumang parte ng kanyang katawan kahit ito ay naitatago sa kanyang police uniform.

Kabilang sa mga tattoo na kailangang ipabura ay ang sumusunod:

– Extremist tattoos
– Ethnically or religiously discriminatory and offensive tattoos
– Indecent tattoos
– Racist tattoos
– Sexist tattoos
– Tattoos associated to “prohibited or unauthorized”

Hindi naman sakop ng bagong patakaran ang aesthetic tattoos tulad ng eyebrows, eyeliner at lip tattoo.

Ang sinumang lalabag dito ay mahaharap sa kasong administratibo.

Facebook Comments