Pagbabawal sa pag-aangkat ng asukal, pinalawig ng DA at SRA

Pinalawig ng Department of Agriculture (DA) at Sugar Regulatory Administration (SRA) ang moratorium o pagbabawal sa pag-aangkat ng asukal.

Layunin ng hakbang na mapalakas ang produksyon ng mga lokal na magsasaka at iprayoridad ang locally produced sugar.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., inatasan na niya si SRA Administrator Pablo Luis Azcona na mahigpit na i-monitor ang lokal na produksyon ng asukal upang matiyak ang tamang antas ng suplay at imbentaryo.

Samantala, plano rin ng DA na dagdagan ang bibilhing raw sugar bilang buffer stock na tatagal ng hanggang 90 araw.

Target ng SRA na makabili ng humigit-kumulang 400,000 metriko tonelada ng asukal, habang 100,000 metriko tonelada naman ang planong iangkat mula sa Estados Unidos.

Layon ng mga hakbang na masiguro ang sapat na suplay ng asukal sa bansa habang pinoprotektahan ang kita at kabuhayan ng mga lokal na magsasaka.

Facebook Comments