Isinusulong sa La Union ang pagbabawal sa iresponsableng pagbebenta ng alcoholic beverages sa mga menor de edad kasunod umano ng nakakabahalang pagtaas ng konsumo ng alak ng Kabataan sa mga komunidad.
Sa regular session ng Sangguniang Panlalawigan, iminumungkahi ng isang mambabatas ang pagpapasa ng ordinansa sa pagbili at pag pagkonsumo ng alak ng mga menor de edad upang maiwas ang mga ito sa alcoholism.
Saad ng mambabatas, madali umanong makabili ng alcoholic beverages ang mga menor sa mga sari-sari store, convenience stores at minsan ay aprobado pa umano ng mga magulang. Bingyang-diin ang negatibong epekto nito sa kalusugan kabilang ang banta ng addiction sa alak at mental health.
Sa kabila nito, iginiit ng opisyal na hindi ito pang-aatake sa kabuhayan ng mga maliliit na tindahan ngunit para sa tamang proteksyon sa kinabukasan ng mga Kabataan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨