Pagbabawal sa Pagbibilad ng Palay at Mais sa Kalsada, Ipinaalala ng DPWH Region 2

*Cauayan City, Isabela*- Muling nagpaalala ang Department of Public Works and Highways Region 2 sa publiko sa usapin ng pagbibilad ng mga palay at mais sa mga pangunahing lansangan sa rehiyon.

Ayon kay Regional Information Officer Wilson Valdez, pagmumultahin ng P1,000 hanggang 6 na buwan na pagkakakulong ang sinumang mapapatunayan o aktong mahuhuling nagbibilad sa mga lansangan.

Paliwanag pa ni Valdez na batay ito sa Presidential Decree No. 17 o Philippine Highway Act of 1953.


Kaugnay nito, inaatasan naman ang mga Lokal na Pamahalaan na magsagawa ng monitoring sa mga pangunahing lansangan para maiwasan ang pagbibilad ng palay at mais.

Mahigpit aniya ang isasagawang pagpapatupad ng nasabing batas dahil nagiging sanhi din ng ilang aksidente sa lansangan ang mga ganitong uri ng pagbibilad.

Nakasaad sa ilalim ng batas ang pagbabawal sa pagpapatuyo ng palay sa mga pangunahing kalsada para maiwas sa aksidente ang mga motorista.

Ito ay bunga ng panahon na ng anihan ng mga palay.

Nagpaalala naman si Valdez sa publiko na iwasan ang palagiang pagbibilad sa mga national highways para maiwasan ang disgrasya.

Facebook Comments