Thursday, February 5, 2026

Pagbabawal sa paggamit ng plakang 8, isinulong sa Kamara

Inihain ni Navotas Rep. Toby Tiangco ang House Bill 7599 na layuning ipagbawal ang pag-iisyu at paggamit ng number 8 na protocol license plate ng sasakyan para sa mga miyembro ng Kamara.

Sa ilalim ng panukala ay babawiin at kakanselahin na rin ang lahat ng mga “otsong plaka” na inisyu noong mga nakalipas na Kongreso.

Giit ni Tiangco, nagagamit ang nabanggit na protocol plates sa pag-abuso at sa panloloko.

Punto pa ni Tiangco, nasa mahigit 300 ang mga miyembro ng Kamara kaya mahirap tukuyin kung sino ang user ng sasakyang may plakang 8 na makakagawa ng paglabag sa batas-trapiko o pag-abuso.

Facebook Comments