PAGBABAWAL SA PAGGAMIT NG PLASTIC AT STYROFOAM SA ROSALES, IPINATUPAD

Nagsimula na ang pagbabawal sa paggamit ng plastic at Styrofoam sa buong bayan ng Rosales, Pangasinan ngayong Hulyo.

Saklaw ng aprobadong Municipal Ordinance No.16-2017, ang naturang prohibisyon sa pagbebenta o paglalagay sa plastic ng dry goods habang may regulasyon naman sa pagbibigay ng pangalawang pamalot sa mga biniling wet goods.

Hindi rin pinapahintulutan ang pagbebenta ng styrofoam maging ang pagtatapon ng mga plastic na basura.

Kapag lumabag, maaaring magmulta ng P500 para sa 1at offense; P1,000 sa second offense at P2,500 multa sa third offense na maaaring mauwi sa pagkakabilanggo ng hindi hihigit sa anim na buwan.

Maari rin maharap sa kanselasyon ng business permit at license to operate ang mahuling lumabag na establisyemento.

Kaugnay nito, muling hinimok ng lokal na pamahalaan ang pagdadala ng sariling eco bags at iba pang reusable containers upang hindi lumabag sa naturang ordinansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments