Nanawagan ang Associated Labor Unions – Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) sa mga lokal na pamahalaan sa bansa na ipagbawal ang paggamit ng videoke sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay ALU-TUCP Spokesperson Alan Tanjusay, dagdag perwisyo at nakaka-istorbo ang ingay nito lalo na sa mga nag-aaral o nagtatrabaho online.
Nabatid na sa buong bansa, tanging ang Cavite lang ang nagpapatupad ng videoke ban mula Lunes hanggang Biyernes kung saan maaari lang itong gawin sa maghapon ng Sabado at Linggo.
Facebook Comments