Pagbabawal sa pagpapadala ng mga Pinoy healthcare worker sa ibang bansa, mananatili

Nananatiling suspendido ang pagpapadala ng mga Pilipino healthcare worker sa ibang bansa.

Sa isang resolusyon, sinabi ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF- MEID) na ang temporary suspension ng overseas deployment ng medical at allied health workers ay dahil sa nagpapatuloy na public health emergency bunsod ng COVID-19 pandemic.

Sa halip, hinihikayat ng IATF ang Department of Health (DOH) at ang lahat ng mga pampublikong ospital na i-hire ang mga apektadong medical frontliner.


Ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga health workers na una nang nakakuha ng work permit sa abroad ay hindi pipigilan na umalis ng bansa.

Aniya, epektibo lamang ang deployment ban sa mga bagong aplikante.

Giit pa ni Roque, kailangang i-preserve ang mga medical health workers para matiyak ang kanilang kalusugan at kaligtasan.

Facebook Comments