Pagbabawal sa pagsusuot ng takong ng mga babaeng empleyado, denedma ng ilang kumpanya

Manila, Philippines – Kinumpirma ng pamunuan ng Department of Labor and Employment na sakabila ng epektibo na ang Dept. Order 178 o ang kautusan na nagbabawal sa mga kumpanya na pagsuotin ng matataas na takong ang mga babaeng empleyado ay mayroon pa ring mga kumpanya ang nagbabalewala sa naturang kautusan.

Dahil dito pinakikilos ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang lahat ng Regional Office na higpitan ang pagpapatupad ng Dept. Order 178 kasunod ng report na isang Shoe Store sa Maynila ang hindi sumusunod sa utos.

Nakasaad din sa naturang kautusan ang pagpapasuot ng angkop na sapatos sa mga babae emplayado, angkop na flooring at lamesa, upuan at pagbibigay ng oras upang makapagpahinga ang mga trabahador.


Partikular na pinatutukan mg kalihim ang mga Mall, Supermarket, Restaurant, Fast Food Chaind ay iba pang establisemento sa bansa dahil simula noong linggo ay nagkabisa na ang naturang kautusan.

Giit ng kalihim pinaalalahanan ang mga kumpanya na mayroong kaakibat na parusa ang sinumang lalabag sa naturang Department Order ng ahensiya.

Facebook Comments