PAGBABAWAL SA PAGTATAYO NG BAGONG MANUKAN AT BABUYAN SA UMINGAN, IPINANUKALA

Nais resolbahin ang problemang dulot ng pamemeste ng langaw sa mga komunidad na nagmumula sa mga babuyan at manukan sa Umingan.

Isang panukalang ordinansa ang inihain upang ipagbawal o tuluyan nang ipatigil ang pagtatayo ng bagong babuyan at manukan sa buong bayan sa loob ng tatlumpung taon.

Bilang karagdagan, iminumungkahi rin ang pag-amyenda sa ordinansa na maghihigpit sa operasyon ng agrikultural at backyard farms upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan nang hindi makaapekto sa mga kalapit na kabahayan.

Ang mga panukalang ordinansa ay may kaakibat na parusa o multa sa mga lalabag.

Kinatigan naman ng mga residente ang naturang usapin dahil matagal na umanong problema ang malawakang pamemeste ng langaw sa mga kabahayan dahil sa kapabayaan ng ilang farm.

Umaasa ang mga residente na mareresolba ito dahil sa banta sa kanilang kalusugan.

Nakatakdang talakayin sa public hearing ang suhestiyon at opinyon ng publiko ukol dito sa August 5 upang maging matiwasay ang implementasyon nito sakaling tuluyang maipasa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments