Pagbabawal sa pagtitinda ng mga imported na salmon at pampano sa mga palengke, ipinagpaliban ng BFAR!

Hindi muna matutuloy ang pagkumpiska at pagbabawal sa pagtitinda ng mga imported na salmon at pampano sa mga palengke.

Ito ang inanunsyo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kasunod ng pagkwestyon ng ilang mga mambabatas hinggil sa naturang kautusan.

Ayon sa BFAR, rerepasuhin muna nila ang Fisheries Administrative Order (FAO9) No. 195 na nagbabawal sa salmon at pampano sa mga palengke dahil ito ay nabalangkas pa noong 1999.


Dagdag pa ng ahensya, wala pang katiyakan ang moratorium o habang wala pang nababalangkas na bagong regulasyon.

Facebook Comments