PAGBABAWAS NG BASURA, ISINUSULONG SA ALAMINOS CITY SA PAGDIRIWANG NG “ZERO WASTE MONTH”

Isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ng Alaminos ang pagbabawas ng basura at tamang pamamahala nito bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Zero Waste Month 2026.

Ang aktibidad ay alinsunod sa Proclamation No. 760, s. 2014 at sa Republic Act No. 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000, na naglalayong palakasin ang kamalayan ng publiko sa responsableng pagtatapon at pangangalaga sa kapaligiran.

Hinihikayat ng pamahalaang lungsod ang buong komunidad na makiisa sa pagbabawas ng basura, wastong segregation, at paggamit ng mas sustenableng gawain upang mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng lungsod.

Ayon sa lungsod, mahalaga ang aktibong partisipasyon ng bawat mamamayan upang makamit ang mas malinis, ligtas, at mas maayos na kapaligiran para sa kasalukuyan at susunod na henerasyon.

Facebook Comments