Pagbabawas ng gastos ng gobyerno sa pandemya, dapat na gawin ayon sa pribadong sektor

Sinusuportahan ng pribadong sektor ang desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hindi palawigin ang state of calamity kaugnay ng COVID-19 pandemic.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Private Sector Advisory Council member Joey Concepcion na natuto na ang mga tao na mamuhay kahit nagpapatuloy pa ang pandemya.

Kakaunti na rin aniya ang mga tinatamaan ng COVID-19 at hindi na malala ang mga kaso ng impeksyon kaya normal na ang sitwason sa mga ospital.


Dagdag pa ni Concepcion, ang dapat gawin ngayon ay mag-apply na ang mga kompanya ng certificate of registration upang maibenta na ang mga bakuna rito sa Pilipinas.

Aniya, napapanahon nang magbawas ng gastos ang pamahalaan sa pandemya.

Sa halip ay mas maigi aniyang ituloy ang panghihikayat sa mga negosyante na mamuhunan sa Pilipinas para magtuloy-tuloy ang paglakas ng ekonomiya.

Dagdag ni Concepcion, dapat nang maibalik ang masiglang turismo sa bansa lalo’t kalaban natin dito ang ibang mga bansa sa ASEAN na matagal nang bumalik sa normal.

Facebook Comments