Pagbabayad ng bill sa Meralco, extended hanggang October 31

96

Pinalawig pa ng Meralco ang September 30, 2020 na grace period sa pagbabayad ng bill sa kuryente hanggang sa October 31, 2020.

Ibig sabihin, walang disconnection notice na matatanggap ang mga customers na hindi makakapagbayad ng kanilang mga bills hanggang sa katapusan ng buwan ng Oktubre.


Sinabi ito ni Meralco President and CEO Atty. Ray Espinosa sa pagdinig ng Kamara kaugnay sa biglang pagtaas ng singil ng Meralco sa kuryente sa gitna ng pandemic.

Ayon kay Espinosa, pinalawig pa nila ang grace period para bigyan din ng sapat na panahon ang mga customers na makapag-settle ng kanilang obligasyon sa Meralco.

Tiniyak naman ni Meralco Senior Vice President William Pamintuan na hindi agad-agad ang disconnection ng kuryente pagkatapos ng Oktubre dahil tiyak na magbibigay pa rin sila ng grace period dito.

Facebook Comments