PAGBABAYAD NG CIVIL DOCUMENTS SA BANGAR, LA UNION, SUSPENDIDO TUWING BIYERNES NGAYONG PEBRERO

Kasabay ng pagdiriwang ng Civil Registration Month, suspendido ang lahat ng certification fees sa Bangar, La Union, tuwing Biyernes sa buong buwan ng Pebrero 2026 alinsunod sa kautusan ng lokal na pamahalaan na naglalayong magbigay ng mas madaling akses at tulong sa mga residente.

Dahil dito, maaaring kumuha ng mga mahahalagang dokumento tulad ng birth certificate, marriage certificate, at iba pang sertipiko nang libre. Layunin ng programa na mabawasan ang gastusin ng mga residente lalo na sa pagproseso ng mga dokumentong kinakailangan sa iba’t ibang transaksyon.

Hinihikayat ang publiko na samantalahin ang pagkakataon upang asikasuhin ang mga mahahalagang dokumento na nagpapatunay sa pagkakakilanlan ng isang indibidwal. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments