Iginiit ng ilang tindero sa bayan ng Mangaldan ang gawaing regular na pagbabayad ng kaukulang permit partikular sa mga illegal vendors na hindi nakakapagbayad ng ticket sa kanilang pagtitinda.
Alinsunod ditto, pinaalalahanan ng alkalde ng bayan ang mga manlalakong hindi nakakasunod sa itinakdang mga alituntunin na magbayad ng mga kinakailangang bayarin upang maging legal ang pagtitinda ng kani-kanilang produkto at mapanatili sa kinalalagyang pwesto.
Nag-iikot ikot din sa mga pamilihan ng bayan umano ang Market Supervisor at iba pang kawani sa ilalim nito upang matiyak at magpaalala sa mga vendors na kinakailangan ang pagbayad ng mga ticket.
Samantala, pinayuhan ni Mayor Bona ang mga consumers na bumili lalo na sa mga legal vendors o ang mga manlalakong nakakapagbayad ng ticket at permit upang hindi ito maging hindi patas para sa kanila na sinusunod ang mga itinakdang tuntunin sa pagbebenta. |ifmnews
Facebook Comments