*Cauayan City, Isabela*- Nilinaw ng pamunuan ng Cauayan City Water District na nakafreeze ang pagputol o disconnection ng mga waterline ng member consumer ng kanilang tanggapan matapos palawigin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon hanggang Abril 30.
Ayon kay General Manager Engr. Arthur Quintero ng CCWD, ito ay upang matulungan ang mga member-consumer na wala pang pambayad sa kabila ng umiiral na quarantine sa Luzon.
Dagdag pa ng opisyal na tuloy-tuloy pa rin ang reading ng metro subalit hindi pipilitin ang mga consumer na magbayad agad dahil sa nararanasang sitwasyon.
Samantala, bilang tugon upang matulungan ang mga member-consumer ng Isabela Electric Cooperative (ISELCO-1) ay namimigay ang mga ito ng ilang kilong bigas at delata sa mga magbabayad ng P1,000 pataas na bill ng kuryente.
Pag-aaralan ngayon ng member consumer ng water district kung hanggang saan ang palugit ng pagbabayad ng mga miyembro nito.