Pagbabayad ng kontribusyon at utang, mas pinadali ng SSS

Mas lalo pang pinabilis ng Social Security System ang paraan ng pagbabayad ng kontribusyon at pagbabayad ng utang ng mga miyembro nito.

Bukas ay nakatakdang ilunsad ng SSS ang online payment sa pamamagitan ng PayMaya.

Ang PayMaya ay isang app online payment transaction kung saan mas mabilis ng mababayaran ang iyong kontribusyon o loan payables kahit saang sulok ka ng mundo.


Hindi mo na kakailanganing magtungo saang mga payment centers ng SSS para magbayad ng iyong kontribusyon.

Ginawa ng SSS ang ganitong mas mabilis na online payment transaction upang on time na ring makakapagbigay ng kanilang kontribusyon ang sinumang myembro nito.

Facebook Comments