PAGBABAYAD NG KURYENTE SA MAPANDAN, MAS PINALAWIG

Inaasahang mas gagaan at magiging maluwag ang sistema sa pagbabayad ng kuryente sa Mapandan matapos pasinayaan ang bagong Collection Office ng Pangasinan III Electric Cooperative (PANELCO III).

Layunin na mailapit pa sa mga member-consumers ang mga pasilidad para mas madaling matugunan ang pangangailangan ng mga nasasakupang lugar.

Ayon sa pamunuan, palatandaahan ito na isang kongkretong hakbang tungo sa mabilis at mahusay na serbisyo para sa kanilang mga consumer.

Bukod sa collection office, tiniyak ng PANELCO III na magkakaroon na ng sub-station sa Mapandan upang mabawasan ang pagtatala ng power interruption.

Kaugnay nito, tiniyak ng tanggapan ang patuloy na pagsasaalang-alang sa pangangailangan sa kuryente ng mga konsyumer.

Facebook Comments