Pagbabayad ng mga lumabag sa batas trapiko sa QC, mas pinadali na ng LGU

Inihayag ngayon ng Quezon City government na mas pinadali at pinabilis na ngayon ng Quezon City Local Government Unit (LGU) ang pagbabayad ng traffic violations matapos buksan ng Quezon City ang online system para sa pagbabayad ng Ordinance Violation Receipt o OVR.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, hindi na mahihirapan ang mga lumalabag sa batas trapiko na bayaran ang multa dahil online payment na ito ngayon na makikita sa official website ng lungsod kung saan ay wala nang pwedeng idahilan ang mga traffic violator na hindi sila makapagbayad ng multa dahil wala silang panahong magpunta ng personal sa City Hall.

Sinabi naman ni Dexter Cardenas, OIC ng Traffic and Transport Management Department o TTMD na mahihikayat na ngayon ang mga Traffic violators na bayaran ang multa.


Para ma-avail ang programang ito ay kailangang bisitahin ang e-services portion (https://qceservices.quezoncity.gov.ph) ng QC government official website at mag-register para gumawa ng account.

Kapag nakapagpa-rehistro na, i-click lamang ang “OVR Online Payment” icon sa QC E-Services at i-enter ang OVR Ticket Number at apelyido ng violator kung saan may pagpipilian ang violator sa pagbabayad sa online. Ito ay maaring bayaran sa Gcash, PayMaya and PayGate o over the counter sa Landbank fund transfer.

Facebook Comments