Pinamamadali na ni House Committee on Appropriations Chairman at ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang pagbabayad sa pampublikong ospital.
Atas ito ni Co sa PhilHealth makaraang lumabas sa budget hearing na umaabot na sa P14.8 Billion ang utang ng PhilHealth sa mga ospital na saklaw ng Department of Health o DOH.
Sa naturang halaga, ang P6.7 Billion ay dalawang taon ng nakabinbin.
Punto ni Co, mahirap na dine-deny ang bayad sa mga serbisyong na naisagawa na ng mga ospital gayundin ang professional fee ng mga doktor ng DOH na maliliit ang sweldo kaya kawawa kung hindi agad mababayaran ng PhilHealth.
Bilang tugon ay nangako naman si PhilHealth President Emmanuel Ledesma na mamadaliin ang pagproseso para mabayaran na ang claims ng mga ospital.