Inihayag ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na pansamantala munang sinuspinde ang pagbabayad ng traffic violations sa MMDA Redemption Center sa Makati simula ngayong araw, Agosto 17.
Ang naturang hakbang ng MMDA ay dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.
Ayon sa MMDA, layon nito na malimitahan ang face-to-face transactions at maiwasan ang hawaan sa pagkalat ng Delta variant ng COVID-19.
Hinihikayat naman ng MMDA ang publiko na gumamit ng cashless at online payment channels katulad ng Landbank, Bayad, GCash, at PayMaya para mabayaran ang mga multa ng paglabag sa batas trapiko.
Facebook Comments