Pagbabayad ng travel tax, pinatatanggal ng isang senador

Ipinababasura ni Senator Alan Peter Cayetano ang pagbabayad ng travel tax para sa mga Pilipinong babyahe ibang bansa.

Sa Senate Bill 424 na inihain ng senador, aalisin na ang pagpapataw ng nasabing travel tax na layong pagaanin ang gastos ng mga byahero, palakasin ang turismo at patatagin ang ugnayan ng Pilipinas sa mga bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Kasama sa hindi na sisingilin ng travel tax ang mga Pilipinong paalis ng bansa at maging ang mga nationals ng ibang bansa na kasapi ng ASEAN.

Minaliit din ni Cayetano ang ₱4 billion na kitang maaaring mawala kapag inalis ang paniningil ng travel tax.

Binigyang-diin ng mambabatas na ang kapalit naman ng hindi pagsingil ng travel tax ay ₱299 billion na posibleng kitain ng bansa dahil sa pagdami ng turista at pagtaas ng spending.

Facebook Comments