Pagbabayad ng utang sa mga PUV drivers sa ilalim ng Service Contracting Program, dapat madaliin ng gobyerno

Kinalampag ni Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ito ay para madaliin ang pagbabayad sa mga driver ng pampublikong transportasyon sa ilalim ng Service Contracting Program sa gitna ng pandemya.

Giit ni Poe, Naibigay na ang serbisyo at nandiyan na rin ang pondo kaya nararapat lamang na mabayaran na ang mga drivers.


Tinukoy ni Poe na batay sa datos ng ilang organisasyon ng mga driver ng bus ay hindi bababa sa P18 milyon ang naiiwan pang bayarin sa kanila ng gobyerno.

Diin ni Poe, walang puwang ang kawalan ng tugon sa gitna ng paghihirap ng ating mga driver na humanap ng pagkakakitaan habang ang mga pasahero naman ay nag-aagawan ng masasakyan.

Paliwanag pa ni Poe, hirap na ang ating mga kababayan sa transport sector dahil sa pandemya, taas ng presyo ng langis at mahal na bilihin kaya Hindi na dapat dagdagan ang kalbaryo nila sa pagpapahintay sa bayad na dapat matagal na nilang nakuha.

Facebook Comments