Pagbabayad ng water bill, pwedeng unti-untiin, ayon sa MWSS

Nilinaw ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na hindi na kailangang hati-hatiin ang lumobong bayarin sa tubig dahil maaari naman itong unti-untiin hanggang mabuo ang bayad sa dulo ng Setyembre.

Ito ay kasunod ng apela ng Laban Konsyumer na dapat gayahin na lang ng Maynilad at Manila Water ang Meralco na hinati sa apat o installment ang naipong bayarin.

Ayon kay Laban Konsyumer President Vic Dimagiba, mayroong bayad centers na hindi tumatanggap ng mas maliit sa “amount due” na nakalagay sa bill.


Tugon ni MWSS Chief Regulator Patrick Ty, hindi nila gagayahin ang Meralco dahil mas pabor sa konsumer kung walang minimum na babayaran kada buwan.

Paglilinaw ng dalawang water concessionaires na tinatanggap ng bayad center at online ang tingi-tingi na bayad.

Walang disconnection notice hanggang Setyembre 30 at puwede ring mag-apply ang konsumer ng promissory note, depende sa tindi ng pangangailangan.

Facebook Comments